FIRST JOGGING 2018 | Troubleshooting Cignal TV FAILED - Philippine Vlog

February 17, 2018


Himala, ginising ako ni dadi para yayain magjogging. First time ata ito, dati ako ang palagi nag aaya sakanya at bibihira lang sya pumayag na samahan ako and now naalimpungatan ako dahil gusto nya magjogging kami. 5am palang iyon at sarap na sarap ang tulog ko. So dahil nanibago ako sige pinagbigyan ko siya nagjogging kami sa may USANT Oval. University of Saint Anthony kung taga bicol kayo I'm sure pamilyar kayo sa school na yan.




Yung ginawa ko lakad  muna sa kalahati ng oval then takbo naman yung kalahati para hindi ako masyado mapagod ganun lang ginawa ko. Mga limang ulit na ikot yun ginawa ko bago kami nagpasya umuwi and siguro si dadi naka limang takbo din. Disidido talaga siya I hope magtuloy tuloy kasi kahit dalawang beses namin gawin ang pagjogging sa isang week okay na. Malaking tulong nadin.



Bago kami umuwi ng bahay kumain muna kami ng breakfast sa may Atlantic Bakery, pareho kami ng inorder sopas sakanya at sakin meron kasamang kape. Pagkatapos namin kumain ayun umuwi na at naghilata na si dadi, napagod ata kaya natulog ulit! Ahahah grabe naglalaway pa. Ako naman nagwork na, nagcheck ng order saaking online shop. 

Kinaumagan pinilit ko sila na ayusin ang cignal tv namin dahil wala na naman connection, palagi nalang nangyayari kapag may bagyo. Lagi kami nagbabayad ng 300 pesos para sa pagpapapunta ng mag aayus. Magastos bes, mas okay pa cable nalang! Para sa buong vlog panoorin nyo nalang guys ang video sa taas. Hehe Hindi na ako magdaldal pa at may gagawin pa akong importante. Maraming Salamat! Mwuah

You Might Also Like

0 comments

AMAZON ASSOCIATES DISCLOSURE

www.tinroman.com is a participant in the Amazon Services LLC Associates Program, an affiliate advertising program designed to provide a means for sites to earn advertising fees by advertising and linking to Amazon.com

Like us on Facebook

DISCLOSURE

This blog is for informational purposes only. Readers are subjected to use this information at their own risk. This blog doesn’t take any responsibility for any harm, side-effects, illness or any health or skin care problems caused due to the use of our content or anything related to this. Always seek professional advice before trying anything.