HOW TO Invest in Philippine STOCK MARKET - Retirement Savings

February 03, 2018


HOW TO Invest in Philippine STOCK MARKET - Retirement Savings


Kung ikaw ay baguhan at nagbabalak magkaroon ng Savings at the same time kikita ang pera mo sa Legal na paraan then your on the right track. 

Sabi nila lahat daw ng bagay na bumaba ay tumataas din, yung tumataas ay bumababa and vice versa, sa STOCK MARKET game ganoon din. Minsan nasa taas, minsan nasa baba tulad ng negosyo minsan nalulugi, minsan maunlad. Well, dito lang sa Stock Market ang alam ko na masarap bumili ng mura at pag dating ng panahon mabebenta mo ng mahal. Kung baguhan ka, suguro hindi mo ako naiintindihan? :) 

Start tayo sa Basic..


ANO BA ANG STOCK MARKET?

Ang STOCK MARKET ay isang paraan ng mga negosyo na magbenta ng kanilang share sa kompanya upang makalikom ng pera na gagamitin para sa negosyo, pag gawa ng bagong product at iba pang proyekto para sa pagpapaunlad ng negosyo. 

Halimbawa nito: Yung SM MALL na pag aari ni Henry Sy kailangan nya magpagawa ng Isa pang branch ng SM. Para makalikom ng pera para makadagdag sa ipapatayong Mall o ano mang proyekto ng SM kailangan nya magbenta ng stock. 

Sa madaling salita kailangan nila ng pera natin para magamit sa negosyo nila. Tayo bilang mga investor ay naghahanap din ng paraan upang hindi matulog ang pera natin sa banko bagkos lumaki pa ito ng higit pa sa 30% to 50%. Oo, pwede umabot ng 50% kung maganda ang performance ng isang kompanya, pero syempre kapag lugi damay damay na. hehe Ganoon talaga pero syempre hindi sa lahat ng panahon lugi, tanungin kita sa palagay mo after 10 years or 30 years mawawala ba ang SM Mall? Malaking NOOOOO ang sagot ko dyan!



PAANO KUMIKITA SA STOCK MARKET?

Para kumita sa Stock Market kailangan mo bumili ng share ng Kompanya tulad ng SM Mall, PLDT, BDO, Ayala Land at iba pang businesses na listed sa PSE. Kapag bumili ka ng share of stock ng mga company nayan magiging part owner ka na  rin so magkakaron ka ng access sa kanilang assets at babahagian ka ng kanilang kita. 

Meron 2 options para kumita sa Stock Market ito ay ang:

1. Price Appreciation - Binili mo yung stock ng mura tapos mabibinta mo ng mahal. Ex. Nabili mo ang 1 share ng Robinsons for only P18.00 then in the future pwede tumaas yung value nya sa 25php to 30php depende. Dito tutubo ang pera mo kaya lalago sya. Watch the video above for some examples.

2. Dividend - Ito yung binibigay na share ng kompanya na parte ng kita dahil naging part owner ka, ibinibigay ito quarterly or yearly.


PAANO MAG START?



Kailangan mo ng Broker kung saan dun ka bibili ng stocks. Yung broker ko ay www.colfinancial.com dahil ito ang broker ng TRC ( Truly Rich Club). Para hindi ka mahirapan kung ano ang mga gagawin sa loob ng COL Financial account mo kailangan meron ka na magtuturo or mag gaguide sayo para sa steps na gagawin mo. Join Truly Rich Club and be part of my team. If may mga question ka pa, you can post in the comment box below! Mwuah






You Might Also Like

0 comments

AMAZON ASSOCIATES DISCLOSURE

www.tinroman.com is a participant in the Amazon Services LLC Associates Program, an affiliate advertising program designed to provide a means for sites to earn advertising fees by advertising and linking to Amazon.com

Like us on Facebook

DISCLOSURE

This blog is for informational purposes only. Readers are subjected to use this information at their own risk. This blog doesn’t take any responsibility for any harm, side-effects, illness or any health or skin care problems caused due to the use of our content or anything related to this. Always seek professional advice before trying anything.